P9M na halaga ng pekeng sigarilyo nakumpiska ng Customs

P9M na halaga ng pekeng sigarilyo nakumpiska ng Customs

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P9 million na halaga ng imported na pekeng sigarilyo sa isang warehouse sa Valenzuela City.

Sa bisa ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na nilagdaan Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero nagsagawa ng inspeksyon sa warehouse sa lungsod kung saan natagpuan ang master cases ng mga imported fake cigarettes, gaya ng Marlboro reds, Mighty, Modern Cigarettes, Carnival, Red Golden Dragon (RGD) Classic, at iba.

Sinabi ng Customs na walang permits at walang lehitimong stamps ang mga nakumpiskang sigarilyo.

Isang sasakyan din ang natagpuan sa warehouse at nang buksan ay nakita sa loob nito ang kahon-kahon pang sigarilyo.

Sasailalim sa seizure and forfeiture proceedings ang mga sigarilyo dahil sa paglabag sa Section 118 concerning Section 1113 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *