Iba’t ibang grupo sa Negros Occidental, nagpahayag ng suporta sa tambalang BBM-Sara

Iba’t ibang grupo sa Negros Occidental, nagpahayag ng suporta sa tambalang BBM-Sara

Tiniyak ng provincial at local executives, federation of sugarcane planters, at people’s organization sa Negros Occidental ang kanilang buong suporta sa tambalan nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos at vice presidential candidate Inday Sara Duterte para sa halalan sa Mayo 9.

Sa manifesto of support, inihayag ng mga grupo na naniniwala sila sa mensahe ng pagkakaisa nina Marcos at Duterte, na may pagmamahal sa bansa.

Sa gitna anila ng mga hirap at pagsubok, ang pagkakaisa ang unang hakbang upang makamit ang paghilom, pag-usad at pag-unlad ng bansa.

Pinuri rin ng mga samahan ang kababaang loob nina BBM at Inday Sara, at ang masidhing pagsisikap nila na mapagsilbihan ang taumbayan nang buong puso at handang isantabi ang kanilang pride at pansariling interest.

Idinagdag din nila na tiwal sila sa kakayahan ng dalawa na pamunuan ang bansa patungo sa bagong pag-asa sa gitna ng walang katiyakang idinulot ng dalawang taong pandemya.

Sa pamamagitan anila ng kakayahan, karanasan at unique perspective nina Marcos at Duterte kung paano pamumunuan ang bansa, walang duda na hindi lamang nila maabot ang inaasahan sa kanilang pamumuno, kundi malalagpsan pa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *