Driver ng van na umararo sa dalawang bikers sa SM MOA, walang lisensya at lango sa alak

Driver ng van na umararo sa dalawang bikers sa SM MOA, walang lisensya at lango sa alak

Hawak na ng mga otoridad ang driver ng van na nakasagasa sa dalawang biker sa bahagi ng SM Mall of Asia na nagresulta sa pagkasawi ng mga biktima.

Ayon sa Inter Council for Traffic o I-ACT, nasawi ang mga biker na sina Jerico Aguila at John Pablo Santos nang araruhin ng van habang nagpapahinga lamang sa kanto ng Seaside Boulevard ng SM Mall of Asia nang mangyari ang insidente.

Sinabi ng I-ACT na bukas ang nasabing kalsada para lamang sa mga bikers, ngunit isang van ang biglaang dumaan dito at nasagasaan ang dalawang biktima.

Agarang nirespondehan ng PNP, SM Emergency Response Team, isang private EMS unit, at LTO I-ACT Anti-Drunk and Drugged Enforcement Unit ang insidente subalit binawian din ng buhay ang dalawa.

Naaresto naman ng I-ACT ang driver ng van na na si Clark Malasaga, 19 anyos at natuklasan pang wala itong lisensya.

Napatunayang ding lango sa alak ang driver matapos sumailalim sa Field Sobriety Test at Alcohol Breath Analyzer Test.

Nasa kustodiya na ng PNP ang driver at nahaharap siya sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide, Damage to Property, at paglabag sa Republic Act 10586 o Anti-Drug and Drugged Driving Act of 2013. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *