Magnitude 7.3 na lindol tumama sa Japan
Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Fukushima, Japan.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, tumama ang lindol sa 36 miles sa karagatan ng Fukushima.
Sa lakas ng pagyanig, umuga ang malalaking gusali sa Tokyo dahilan para mawalan ng suplay ng kuryente.
Naantala din ang biyahe ng bullet train sa pagitan ng Fukushima at Shiroishizao stations.
Ligtas naman ang lahat ng pasahero ng tren. (DDC)