Pamahalaan hindi na magsasagawa ng National Vaccination Days

Pamahalaan hindi na magsasagawa ng National Vaccination Days

Posibleng hindi na magsagawa ang pamahalaan ng COVID-19 National Vaccination Days.

Sinabi ni National Vaccination Operations Center o NVOC chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na sa halip ay tututukan na lamang nila ang mga lalawigan na mabababa ang coverage sa bakuna.

Aniya, may mga ilang lugar kasi sa bansa na naabot na ang 70-percent vaccination coverage para sa general population at senior citizens.

Una nang inamin ng pamahalaan na bigo muli silang maabot ang target na 1.8 million sa Bayanihan, Bakunahan 4 na orihinal na itinakda ng March 10 hanggang 12.

Gayunman, pinalawig ito hanggang ngayong araw ng Martes para sa general population at hanggang sa Biyernes para naman sa mga senior citizen.

Sa ikatlong bayanihan, bakunahan na isinagawa noong Pebrero ay hindi na rin naabot ng gobyerno ang limang milyong target na mabakunahan kontra COVID-19. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *