NCR at 47 pang lugar sa bansa sasailalim sa Alert Level 1 hanggang March 31

NCR at 47 pang lugar sa bansa sasailalim sa Alert Level 1 hanggang March 31

Mananatili sa Alert Level 1 ang National Capital Region at 47 iba pang lugar sa bansa.

Ayon kay acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasailalim sa Metro Manila at 47 areas sa Alert Level 1 simula ngayong Miyerkules, March 16 hanggang 31.

Sa Luzon, iiral ang Alert Level 1 sa Abra, Apayao, Baguio City, Kalinga, Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan, Santiago City, Isabela, Quirino, Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Lucena City, Marinduque, Puerto Princesa City, Romblon, Naga City, at Catanduanes.

Ipatutupad din ang pinakamaluwag na alerto sa Aklan, Bacolod City, Capiz, Guimaras, Iloilo City, Cebu City, Siquijor, Biliran, Ormoc City, at Tacloban City, sa Visayas.

Gayundin sa Zamboanga City, Cagayan de Oro City, Camiguin, Davao City, at Butuan City, sa Mindanao.

Ang iba pang mga lugar sa bansa ay sasailalim sa Alert Level 2. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *