Brooklyn Nets pinagmulta ng NBA matapos payagan sa courtside ang unvaccinated na si Kyrie Irving
Pinatawan ng multa na $50,000 ng pamunuan ng NBA ang koponan ng Brooklyn Nets.
Ito ay dahil pinapasok ng Nets sa kanilang locker room ang kanilang manlalaro na si Kyrie Irving.
Dahil hindi pa bakunado kontra COVID-19, ang pagpasok ni Irving sa pasilidad ay paglabag sa New York City law at sa health and safety protocol na pinaiiral ng NBA.
Nakuhanan pa si Irving na nakaupo sa courtside at nanonod ng laban ng Nets kontra New York Knicks.
Bagaman pinapayagan na ng New York City government ang mga hindi bakunadong indibidwal na makapasok sa public places, pwede lamang si Irving pumasok sa NBA venue bilang fan para manood hindi bilang bahagi ng team. (DDC)