3 Indonesian Nationals arestado sa tangkang pagpupuslit ng mga manok na panabong

3 Indonesian Nationals arestado sa tangkang pagpupuslit ng mga manok na panabong

Naharang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Eastern Sarangani ang tangkang pagpuslit sa 190 mga panabong na manok patungong Indonesia.

Dinakip ng mga tauhan ng PCG ang tatlong Indnesian nationals na lulan ng unauthorized motorbanca sa karagatang sakop ng Sarangani Bay.

Namataan ang nasabing motorbanca habang binabaybay ang karagatan at patungo sa direksyon ng border ng Indonesia.

Nang harangin ng mga tauhan ng PCG ay natuklasan ang carrying 190 panabong na manok, poultry feeds, animal medicines, at vitamins na sakay ng bangka.

Ayon kay PCG District Southern Mindanao Commander, CG Captain Rejard V Marfe, lulan ng bangka ang mga dayuhan na kinilalang sina, Bura Wangka, 36 anyos; Zaidunin Makahiking, 38 anyos; at Maman Bawimbang, 28 anyos.

Inamin ng tatlo na ang mga manok ay dadalhin sa Tahuna, Indonesia.

Natuklasan din ng PCG na ang motorbanca ay walang Safety, Security, and Environmental Numbering (SSEN) na malinaw na paglabag sa Department of Transportation (DOTr) Memorandum Circular Number 2017-001.

Bigo din ang tatlo na magpakita ng transport permit at iba pang permits mula sa Bureau of Animal Industry (BAI). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *