2,000 hamster kakatayin sa Hong Kong; ilan sa mga ito ang nagpositibo sa COVID-19
Kakatayin ang aabot sa 2,000 hamster sa Hong Kong matapos na ilan sa mga ito ang magpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Health Sec. Sophia Chan, may naitalang kaso ng COVID-19 sa isang pet shop sa Hong Kong.
Isang empleyado din ng pet shop at isang customer ang nagpositibo na sa sakit.
Para hindi na lumaganap pa ang kaso, nagpasya ang pamahalaan ng Hong Kong na katayin ang mga hamster at iba pang maliliit na hayop sa naturang pet shop.
Sa paunang tests na isinagawa, labingisang samples na kinuha mula sa mga hamster ang nagpositibo sa sakit.
Pinaniniwalaang infected na ang mga hayop nang dumating sa Hong Kong galing Netherlands.
Umapela din ang pamahalaan sa lahat ng nakabili ng hamster mula Dec. 22 na i-give up ang kanilang alaga at ipakatay. (DDC)