Lola patay, 200 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Malate, Maynila

Lola patay, 200 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Malate, Maynila

Tinupok ng apoy ang residential area sa Leveriza St., Malate, Maynila.

Ayon sa Bureu of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog pasado alas 3:00 ng madaling araw ng Martes (March 9).

Umabot ito sa 3rd alarm bago naideklarang fire out alas 6:15 ng umaga.

Ayon sa BFP tintayang aabot sa 80 bahay ang natupok ng apoy.

Bangkay naman na nang atagpuan sa nasunog na bahay ang isang 69-anyos na lola na nakilalang si Lydia Berna.

Si Berna ay unang iniulat na nawawala ng kaniyang mga kaanak.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Sa pagtaya ay umabot sa P500,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *