200 kilo ng mga nakumpiskang sigarilyo winasak sa Baguio City

200 kilo ng mga nakumpiskang sigarilyo winasak sa Baguio City

Aabot sa halos 200 kilo ng mga nakumpiskang sigarilyo ang winasak sa Baguio City.

Isinagawa ang ceremonial destruction ngayong araw (Jan. 25) sa mga sigarilyo na nakumpiska ng mga tauhan ng Smoke Free Task Force (SFTF) noong nakaraang taon.

Bahagi ito ng kampanyang #SmokeFreeBaguio ng pamahalaang lungsod.

Kasama ding winasak ang 72 kilos ng betel nut na mayroong tobacco (moma) at 102 units ng electronic nicotine delivery systems (ENDS) na kilala sa tawag na vape sa merkado.

Tinatayang aabot sa P2.3 million ang halaga ng mga sigarilyo at vape na nakumpiska noong nakaraang taon.

Ang Public Order and Safety Division (POSD) ng lungsod ang naatasang ipatupad ang City Ordinance 34 s. 2017 o Smoke Free Baguio Ordinance. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *