2 miyembro ng Momoland nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang miyembro ng South Korean girl group na Momoland.
Sa pahayag ng MLD Entertainment, nagpositibo sina Hyebin at Nancy sa COVID-19 sa kanilang biyahe sa Mexico.
Ang pagpunta sa Mexico ng grupo ay bahagi ng kanilang promosyon sa bago nilang digital single.
Magugunitang kamakailan ay nagpositibo din sa COVID-19 ang isa pang miyembro ng grupo na si Jooe. (DDC)