2 hanggang 3 bagyo papasok o mabubuo sa loob ng bansa buwan ng Oktubre ayon sa PAGASA

2 hanggang 3 bagyo papasok o mabubuo sa loob ng bansa buwan ng Oktubre ayon sa PAGASA

Maaring magkaroon ng dalawa hanggang tatlong bagyo sa bansa sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldzar Aurello, ang mga susunod na bagyo ay maaring dumaan sa Northern Luzon, Bicol Region, Calabarzon, Metro Manila, Bataan, Visayas, Sulu Sea at Northern Palawan.

Ang mga susunod na magiging pangalan ng mga bagyong mabubuo o papasok sa bansa ay Nika, Ofel at Pepito.

Simula noong buwan nang Enero, labingtatlong bagyo na ang pumasok at nabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *