2.5 million doses ng COVID-19 vaccine ng Sinovac
Dumating sa bansa ang dagdag na 2.5 million doses pa ng COVID-19 vaccine ng Sinovac.
Bahagi ito ng mga bakuna ng Sinovac na binili ng pamahalaan.
Ayoy kay NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez Jr., tuluy-tloy na pagdating sa bansa ng 100 milyong doses ng COVID-19 vaccines.
Kasabay nito ay hinikayat ni Galvez ang mga lokal na pamahalaan na bilisan ang kanilang pagbabakuna.
Sa datos ng NTF, umabot na sa 41.5 milion doses ng Sinovac vaccines ang nai-deliver sa bansa.
Sa nasabing bilang, 39.6 million ang binili ng pamahalaan.
Una nang dumating din sa bansa ang mahiit 800,000 doses ng Pfizer vaccines.
Donasyon ito sa Pilipinas ng United States. (DDC)