Mga biyahero mula Hong Kong, Macau, Brazil at Israel maari nang makapasok sa bansa kahit walang visa

Mga biyahero mula Hong Kong, Macau, Brazil at Israel maari nang makapasok sa bansa kahit walang visa

Pinayagan na ng pamahalaan ang pagpasok sa bansa kahit walang visa ng mga biyaherong mula Hong Kong, Macau, Brazil at Israel.

Batay ito sa Resolution No. 164-A ng Inter Agency Task Force.

Ayon sa resolusyon, ang mga dayuhan na holders ng passport ng Hong Kong at Macau ay maaring manatili sa bansa nang hindi lalagpas ng 14 na araw.

Kailangang sila ay fully-vaccinated, may proof of vaccination, may negatibong RT-PCR test 48 hours bago ang kanilang time of departure at may passport na valid sa loob ng anim na buwan o higit pa.

Ang mga mamamayan naman ng Brazil at Israel ay maaring manatili sa bansa nang hindi lalagpas sa 59 na araw. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *