Taunang Alay-Lakad sa Antipolo suspendido muli ngayong taon

Taunang Alay-Lakad sa Antipolo suspendido muli ngayong taon

Tuwing Lenten Season panata na ng maraming Katoliko ang mag-Visita Iglesia sa iba’t-ibang simbahan sa bansa.

Partikular na dinadayo ng marami ang Antipolo Cathedral kung saan milyun-milyon kada taon ang umaakyat sa lungsod mula sa mga karatig na lugar upang magdasal.

Sa inilabas na pahayag ng Antipolo City LGU, matapos ang konsultasyon sa simbahan ay napagpasyang muling suspindihin ‘Alay Lakad’ ngayong taon para maiwasan ang muling pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Suspendido din ang mga aktibidad para sa 2022 Cityhood Anniversary at iba pang Lenten Season activities.

Paalala ng LGU sa lahat na patuloy na sumunod sa minimum public health standards at safety protocols. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *