Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Eduardo Nachura pumanaw na

Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Eduardo Nachura pumanaw na

Pumanaw na si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Eduardo Nachura, sa edad na 80.

Kinumpirma ng Supreme Court ang pagpanaw ni Nachura, araw ng Linggo (Mar. 13), kasabay ng pag-abot ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng retiradong mahistrado.

Sa statement, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na hindi malilimutan si Justice Nachura bilang isa sa mga bibihira na nagsilbi sa tatlong sangay ng pamahalaan.

Nagsilbi si Nachura bilang SC Associate Justice noong Feb. 7, 2007 hanggang June 13, 2011.

Naging kinatawan din siya ng ikalawang distrito ng Samar, simula 1998 hanggang 2004.

Naitalaga rin siya bilang Undersecretary ng Department of Education at Solicitor General.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang pamilya Nachura hinggil sa pagpanaw ng retiradong mahistrado. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *