BREAKING: Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 6.4 na lindol; pagyanig naramdaman sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon
Tumama ang malakas na magnitude 6.4 na lindol sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 110 kilometers northwest ng bayan ng Lubang, 5:05 ng umaga ngayong Lunes, March 14.
May lalim na 29 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ng Intensity III sa Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City at Makati City.
Habang Intensity II sa Talisay, Batangas.
Naramdanan din ang lindol sa iba pang bahagi ng Metro Manila at iba pang lalawigan sa Luzon kaya ng Pampanga, Bulacan, Cavite, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Quezon.
Ayon sa Phivolcs maaring makaranas ng aftershocks bunsod ng naturang pagyanig. (DDC)