Mga edad 80 pataas sa France bibigyan na ng ikaapat na dose ng COVID-19 vaccine
Nakatakda nang tumanggap ng ikaapat na dose ng COVID-19 vaccine ang mga edad 80 pataas sa bansang France.
Ayon kay France Prime Minister Jean Castex, kabilang sa mga maari nang makatanggap ng ikaapat na dose ng bakuna ay ang mga edad 80 na nakatanggap na ng kanilang booster shot tatlong buwan o higit pa ang nakalipas.
Mas pinagaan na ang pinaiiral na COVID-19 restrictions sa bansa.
Gayunman, hinihikayat pa rin ang lahat na patuloy na magsuot ng face mask.
HIndi na kailangang magpakita ng vaccine pass sa pagpasok sa mga public spaces gaya ng sinehan at restaurants.
Pero kailangan pa ang proof of vaccination kapag papasok sa ospital p sa retirement home.
Simula sa March 14 hindi na required ang pagsusuot ng face mask sa work places at sa mga paaralan. (DDC)