Pangulong Duterte inatasan ang mga ahensya ng gobyerno na tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

Pangulong Duterte inatasan ang mga ahensya ng gobyerno na tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

Pinatutugunan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng pamahalaan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Senator Bong Go, inatasan ni Pangulong Duterte ang National Economic and Development Authority, Department of Energy, Department of Trade and Industry, Department of Finance, at ang Department of National Defense na tugunan ang problema sa mataas na presyo ng oil products.

Nanawagan na din ang Palasyo sa Kongreso na rebisahin ang oil deregulation law.

Una nang sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi na walang shortage sa suplay ng oil products sa bansa.

Gayunman, inaasahang tataas pa ang presyo dahil sa epekto ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *