Mga bakunang malapit nang ma-expire ido-donate sa Myanmar, Cambodia at ilang African countries
Magdo-donate ang Pilipinas ng bakuna sa Myanmar, Cambodia, at ilang African countries.
Sa laging Handa public briefing, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, simula noong Oct. 2021 ay stable na ang supply ng bakuna sa bansa at patuloy pa ang pagdating ng mga bakuna.
Dahil dito, ang ilang doses na malapit nang ma-expire ay ido-donate na lamang ng Pilipinas sa mga bansang mababa ang vaccination coverage.
Sa ngayon inaalam pa aniya ng National Vaccination Operations Center (NVOC) kung ilang bakuna ang ido-donate. (DDC)