Mga empleyado, pasahero ng MRT-3 nakilahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
Nag-duck, cover, and hold ang mga pasahero at empleyado ng MRT-3 bilang bahagi ng 1st Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayon, ika-10 ng Marso 2022.
Sa pangunguna ng Safety and Security Unit ng MRT-3, matagumpay na isinagawa ang earthquake drill sa iba’t ibang istasyon gayundin sa opisina ng MRT-3.
Ang pagsali sa NSED ay bahagi ng mga regular na aktibidad sa MRT-3 para masigurong ang mga empleyado gayundin ang mga pasahero ay handa at may wastong kaalaman sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng malakas na lindol. (DDC)