Pag-rebisa sa minimum wage na tinatanggap ng mga manggagawa iniutos ng DOLE
Inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB sa buong bansa na bilisan ang pagre-review sa minimum wages.
Mismong si Bello na ang nagsabi na maaring hindi na sapat ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) para sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya sa gitna ng nakakalulang presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang basic goods.
Aniya, ang kasalukuyang 537 Pesos na daily minimum wage sa NCR ay hindi na makasasabay sa presyo ng basic commodities, gaya ng pagkain, singil sa kuryente at tubig. (Infinite Radio Calbayog)