Testigo ni Yulde, “sinungaling at gumagamit ng droga” ayon sa ex journo na si Jaime Aquino

Testigo ni Yulde, “sinungaling at gumagamit ng droga” ayon sa ex journo na si Jaime Aquino

MARIING itinanggi ng dating mamamahayag na si Jaime Aquino ang mga paratang ng kanyang anak dahil ito ay sinungaling at adik at nagpapagamit lamang sa mga taong maimpluwensya kapalit ang malaking halaga.

Sa isang press conference sa Aristrocrat Restaurant sinabi ni Aquino na ang kanyang anak na si Justine ay baon sa utang dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot bukod pa sa nahaharap ito sa patong-patong na kaso sa Pangasinan.

Iginiit pa niya na hindi nakapagtapos ng high school ang kanyang anak at hindi marunong magmaneho kaya pano siya makakaharap sa isang press conference noong nakaraang linggo kung walang taong nasa likod niya.

Mariin ding pinabulaanan ni Aquino na may kinalaman ang mag-asawang Congresswoman Helen Tan at DWPH Regional Director Ronnel Tan na itinuturo ni Justine na nagbayad sa kanya para ituro si Lopez Board Member Arke Yulde nanghalay.

Bilang patunay noong Pebrero 2013 ay mayroon na rin kumuha kay Justine na noon ay 16 anyos pa lamang para tumestigo laban sa mamamahayag at iugnay sa pagpatay sa dating Alkalde ng Infanta Quezon.

Dito naghain ng petition for writ of amparo si Aquino para makuha ang kostodiya ng anak dahil wala naman itong personal na nalalaman o naging saksi sa nangyaring krimen noong Disyembre 2012 sa Infanta.

Paliwanag ng dating mamamahayag hindi niya personal na kilala ang mag-asawa at minsan lang niya nakita si RD Tan sa isang coverage sa Pangasinan.

Iginiit pa ni Aquino na walang kredibilidad ang kanyang anak na maging testigo laban kanino pa man dahil siya ay highschool dropout, magnanakaw at drug addict at binabayaran lang para manira ng ibang tao kapalit ang malaking halaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *