SecGen ng PDP Laban itinalaga ni Pangulong Duterte bilang acting cabinet secretary

SecGen ng PDP Laban itinalaga ni Pangulong Duterte bilang acting cabinet secretary

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Transmission Corporation head at PDP Laban secretary general Melvin Matibag bilang acting Cabinet secretary.

Agad nanumpisa sa puwesto si Matibag kay Executive Sec. Salvador Medialdea sa Guest House ng Malakanyang.

Papalitan ni Matibag si Karlo Nograles na itinalaga ng pangulo bilang chairperson ng Civil Service Commission (CSC).

Sa pahayag tiniyak ni Matibag na gagampanan ng mabuti ang trabaho sa nalalabing tatlong buwan ng Duterte administration. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *