Chinese Drug Kingpin naaresto sa Valenzuela; P1.1B na halaga ng shabu nakumpiska

Chinese Drug Kingpin naaresto sa Valenzuela; P1.1B na halaga ng shabu nakumpiska

Arestado ang isang Chinese national at kasabwat nitong Pinay sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Philippin Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Valenzuela City.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, ikinasa ang joint buy-bust operations sa Brgy. Karuhatan, Valenzuela City na nagresulta sa pagkakadakip sa Chinese na si Tianzhu Lyu, 32 anyos ng Fujian, China at Meliza Villanueva, 37 anyos ng Concepcion, Tarlac.

Nakumpiska sa kanila ang 160 kilos ng hinihinalang shabu na aabot sa P1.088-Billion ang halaga.

Nakumispika din sa kanila ang apat na unit ng smartphones, isang basic analog phone, isang timbahangan, mga identifications cards; at mga dokumento.

Sina Tianzhu Lyu at Villanueva ay kapwa drug dealers sa NCR, Region 3 at Region 4A.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *