Pitong lalawigan sa Central Luzon at Calabarzon nasa very low risk na sa COVID-19
Bumaba na sa very low risk ang classification ng pitong lalawigan sa Central Luzon at sa Calabrzon.
Ayon sa OCTA Research, kabilang dito ang mga lalawigan ng Aurora, Bulacan, Laguna, Pampanga Quezon, Rizal, at Zambales.
Nananatili naman sa low risk ang NCR, Bataan, Batangas, Cavite, Nueva Ecija, at Tarlac.
Ang reproduction number sa NCR ay 0.24, ang positivity rate 3%, at ang average daily attack rate (ADAR) ay 1.40.
Kahapon, March 8 ay nakapagtala ng 442 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Anim ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi at 1,006 ang bilang ng mga gumaling. (DDC)