Minimum na pamasahe sa mga jeep, mananatili sa P9

Minimum na pamasahe sa mga jeep, mananatili sa P9

Mananatiling P9 na ang minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeep.

Isinailalim sa pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong araw ng Martes (Mar. 8) ang hirit ng Pasang Masda na ibalik sa P10.00 ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep sa unang apat na kilometro ng biyahe.

Sa halip na agad desisyunan, ay itinuring ng LTFRB na “submitted for resolution” na ang petisyon.

Samantala, itinakda naman ng LTFRB sa March 22, 2022 pagdinig sa petisyon ng ilang transport group na magkaroon ng P5.00 na dagdag na pamasahe sa unang 4 na kilometrong biyahe ng mga pampasaherong jeep.

Ang hirit na taas singil sa pamasahe ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *