Eroplano ng Cebu Pacific nasangkot sa runway excursion
Naantala ang operasyon sa NAIA Terminal 3 at may mga na-divert na flights matapos masangkot sa ‘runway excursion’ ang isang eroplano ng Cebu Pacific.
Sa abiso ng Cebu Pacific, ang flight DG6112 Naga-Manila ng CebGo ay nagkaroon ng “slight runway excursion” nang dumating ito sa Terminal 3 ng NAIA alas 11:45 ng umaga ng Martes (Mar. 8).
Lahat ng 42 pasahero at 4 na crew ay ligtas namang naibaba ng eroplano.
Wala ding napaulat na nasaktan.
Kinailangang hatakin ang eroplano upang maialis sa runway.
Dahil sa insidente may mga flights na naantala ang pag-alis habang ang iba ay na-divert. (DDC)