Resolusyon para masuspinde ang operasyon ng E-Sabong inihain sa Kamara

Resolusyon para masuspinde ang operasyon ng E-Sabong inihain sa Kamara

Naghain ng resolusyon sa Kamara si House Deputy Speaker Benny Abante para masuspinde ang operasyon ng e-Sabong.

Sa House Resolution No. 2512 ni Abante, pinasususpinde ang operasyon ng e-Sabong matapos ang misteryosong sunud-sunod na pagkawala ng 31 mga sabunero.

Ani Abante, mula noong April 2021 31 sabunero na ang nawawala at wala ni isa sa mga ito ang natagpuan.

Sa ginawa aniyang imbestigasyon sa Senado, lumitaw ang mga isyu hinggil sa e-Sabong kabilang ang kuwestyunableng legal na basehan ng online sabong, game fixing at iba pa.

Nakasaad sa resolusyon ni Abante na dapat himukin ng Kamara ang PAGCOR na agad suspindihin ang e-Sabong operations hangga’t hindi nakapagtatakda polisiya na magtitiyak sa kaligtasan ng e-Sabong personnel at participants. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *