Special Session ng Kongreso kailangan nang ipatawag ni Pangulong Duterte
Naniniwala si House Committee on Ways and Means Chairperson Joey Salceda ba moral obligation ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng special session sa Kongreso para talakayin ang ang panukalang pagsuspinde o bawas sa excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Salceda, kailangan nang magpatawag ng special session ang presidente, at magkaloob ng kahit anong uri ng ginhawa sa publiko na naghihirap na dahil sa serye ng oil price hikes.
Tingin ng kongresista, dapat pagsapit ng March 15 ay makapag-patawag na ng special session, lalo na kung nasa higit $100 per barrel ang krudo.
Sinabi naman ni House Committee on Economic Affairs chairman Sharon Garin, kung magpapatawag ng special session ang pangulo, ay maaari na ring maisabay na ang pagparepaso sa Oil Deregulation Law.
Gayunman sinabi nito na sa huli ay ang pangulo pa rin ang masusunod kung magpapatawag special session salig sa 1987 Constitution. (James Cruz)