PCOO Sec. Martin Andanar itinalaga bilang acting presidential spokesperson
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Communications Secretary Martin Andanar bilang acting presidential spokesperson.
Inaasahang agad pangungunahan ni Andanar ang Palace briefing bilang interim spokesperson.
Sa abiso ng Malakanyang, si Andanar kasama si Usec. Rosemarie Edillon ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang tampok sa Presidential Spokesperson’s Press Briefing ngayong araw.
Papalitan ni Andanar si Karlo Nograles na hinirang ng pangulo bilang chairman ng Civil Service Commission (CSC).
Araw ng Lunes (Mar. 7) ay agad nanumpa sa puwesto si Nograles kay Pangulong Duterte. (DDC)