Bahagi ng ginagawang Metro Manila Subway ipinasilip ng DOTr
Ipinasilip ng Department of Transportation (DOTr) ang nagpapatuloy na konstruksyon ng Metro Manila Subway.
Sa video na ibinahagi ng DOTr, ipinakita ang Tunnel Boring Machine (TBM) launching shaft.
Ang ga-higanteng TBMs ay gagamitin sa konstruksyon.
Sinabi ng DOTr na ang mga TBMs ay mahalagang bahagi sa pagtayo ng subway, dahil ito ang mga gagamitin para sa mas mabilis, mas efficient, at mas ligtas na paghuhukay sa lupa at paglatag ng mga tunnels.
May kakayahan din ang mga ito na mag-excavate sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng ground conditions, mula sa matitigas na bato hanggang sa buhangin.
Sa sandaling maging fully operational na ang Subway, aabot na lang sa 35 minutes ang biyahe mula Quezon City hanggang NAIA, kumpara sa kasalukuyang 1 hour at 10 minutes na biyahe.
Aabot din sa 370,000 passengers ang kaya nitong serbisyuhan. (DDC)