Visayas, Mindanao at ilang bahagi ng Luzon uulanin dahil sa LPA
Patuloy na magpapaulan ngayong araw ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.
Huling namataan ang LPA sa layong 100 kilometers East Southeast ng Davao City, Davao Del Sur.
Dahil sa nasabing LPA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw sa Visayas, Mindanao, at sa mga lalawigan ng Sorsogon, Albay, Masbate, Romblon, at Palawan.
Northeast monsoon naman ang maghahatid ng mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley.
Habang bahagyang maulap na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon. (DDC)