Ayuda ng pamahalaan sa transport sector kulang – Rep. Garin

Ayuda ng pamahalaan sa transport sector kulang – Rep. Garin

Nakukulangan si House Committee on Economic Affairs Chairperson Sharon Garin sa ayudang matatanggap ng mga nasa transport sector mula sa pamahalaan sa harap ng tuloy-tuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa pagdinig ng House Fuel Crisis Ad Hoc Committee, sinabi ni Garin na kulang ang P6,500 fuel subsidy na matatanggap ng mga nasa transport sector.

Sinabi kasi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra na kabuuang P2.5 billion ang inilalaan ng gobyerno para sa Pantawid Pasada Program.

Hahatiin anya ito sa mahigit 160,000 na mga driver beneficiaries ng naturang programa.

Ayon kay Garin, hindi sustainable sa buong taon ang halagang ibibigay ng pamahalaan lalo pa at sa araw-araw ay aabot ng hanggang P3,000 ang ginagastos ng mga tsuper sa para sa kanilang gasolina.

Kulang na kulang anya ito dahil simula noong 2018 ay hindi nagpatupad ng fare increase sa kabila nang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa nakalipas na mga taon. (James Cruz)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *