Ads at posters na nakapaskil sa mga bawal na lugar sa QC, binaklas

Ads at posters na nakapaskil sa mga bawal na lugar sa QC, binaklas

Pinagbabaklas ang mga ads at posters na nakapaskil sa ipinagbabawal na lugar sa Quezon City.

Nagsagawa ng clearing operations sa lungsod, ang mga tauhan ng Law and Order Cluster ng Quezon City government at binaklas ang mga posters na ilegal na nakapaskil sa mga pampublikong lugar at non-common poster areas na aprubado ng COMELEC.

Sinuyod ng Law and Order Cluster ang mga pangunahing lansangan sa anim na distrito ng lungsod para linisin ang mga pampublikong lugar tulad ng mga gusali ng pamahalaan, tulay, poste ng ilaw, terminal, at kawad ng kuryente na dinikitan ng iba-ibang uri ng patalastas.

Tinanggal din ang mga sticker at poster na ikinabit sa mga puno.

Ang isinagawang clearing operations ay bahagi ng pagpapatupad ng City Ordinances SP-3044-2021, SP-2109-2011, SP-2021-2010, NC-153-90, at Republic Act 3571. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *