Batas na nagtataas ng statutory rape age sa 16-anyos nilagdaan na ni Pangulong Duterte
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtataas sa edad ng sexual consent mula 12-anyos patungo sa 16-anyos.
Inaamyendahan ng Republic Act No. 11648 ang Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Sa nilagdaang batas ng pangulo, maaring ma-determina na nagkaroon ng “statutory rape” kapag ang biktima ay edad 16 pababa.
Layon nitong maprotektahan ang mga kabataan laban sa sexual abuse at exploitation. (DDC)