LPA sa Surigao del Sur magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

LPA sa Surigao del Sur magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa Surigao del Sur.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 135 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw March 7 ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Marinduque, at Romblon.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *