Romando Artes itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong MMDA chair

Romando Artes itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong MMDA chair

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Romando Artes bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kapalit ng nagbitiw na si Benhur Abalos.

Nilagdaan ng pangulo ang appointment letter ni Artes noong March 1.

Si Artes na isang abogado at certified public accountant ay general manager ng MMDA at naging officer-in-charge nang magbitiw si Abalos.

Papalit naman kay Artes bilang MMDA general manager si MMDA Undersecretary Frisco San Juan Jr. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *