Ikea nagsuspinde ng operasyon sa Russia at Belarus; 15,000 empleyado ang apektado
Sinuspinde ng Swedish furniture giant na Ikea ang kanilang operasyon sa Russia at Belarus.
Dahil dito tinatayang 15,000 empleyado ang naapektuhan sa 17 stores at 3 production sites ng Ikea.
Sa pahayag ng kumpanya, sinabi nitong malaki ang epekto ng giyera sa Ukraine na nagresulta sa pagkaantala ng supply chain at rading conditions.
Tiniyak naman ng Ikea na susuportahan ang mga naapektuhang empleyado at kanilang pamilya.
Una nang tiniyak ng Ikea Foundation na magdo-donate ito ng 20 million euros bilang tugon sa apela ng UN para matugunan ang nararanasan humanitarian crisis. (DDC)