13 waterways sa NCR finalists sa “Gawad Taga-Ilog” award ng DENR
Labingtatlong waterways sa Metro Manila ang napasama bilang finalists sa “Gawad Taga-Ilog: Seach for Most Improved Estero in Metro Manila” ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Para mapili bilang “most improved estero”, kabilang sa titignan ang physical improvement; social mobilization and transformation; sustainability and replicability; at partnerships.
Nominado ang mga sumusunod na waterways sa NCR:
– Estero de Maypajo (Caloocan City)
– Zapote River (Las Piñas City)
– Estero Tripa de Gallina (Makati City)
– Sucol Creek (Malabon City)
– Maytunas Creek (Mandaluyong City)
– Estero de San Miguel (Manila City)
– Park Creek 23 (Marikina City)
– Estero de Maypajo (Navotas City)
– Estero Tripa de Gallina (Pasay City)
– Lanuza Creek (Pasig City)
– Ermitaño Creek (San Juan City)
– Tipas River (Taguig City)
– Polo River (Valenzuela City)
Pipili ang mga hurado ng tatlong mananalo para sa nasabing criteria.
Mayroon ding bibigyan ng “Gawad Taga-Ilog Peoples’ Choice Awardee”.
Ito ay ang larawan na magkakaroon ng pinakamataas na boto mula sa netizen sa pamamagitan ng pag-click ng “Like” o “Heart” button sa larawan ng napiling estero.
Ang pagboto ay simula ngayong araw, March 4 hanggang March 18, 2022.
Sa March 22, 2022 nakatakdang ianunsyo ang mga mananalo. (DDC)