P300M na halaga ng marijuana winasak sa Kalinga; 3 ang naaresto
Matagumpay na nawasak ng mga otoridad ang mga tanim na marijuana sa Tinglayan, Kalinga.
Sa apat na araw na operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PNP Cordillera, PDEA, at NBI at Philippine Army, aabot sa P339,915,000 na halaga ng mga tanim na marijuana ang binunot at sinunog sa apat na araw na operasyon.
Isinagawa ang operasyon sa mga plantation sites sa Barangay Tulgao, Barangay Loccong, at Barangay Butbut.
Sa Barangay Butbut, naaresto ang tatlong suspek na kinilalang sina Peter Bagtang, 22 anyos; Langao Bagtang, 70 anyos at isang menor de edad.
Nakumpiska sa tatlong suspek ang 5,000 piraso ng fully grown marijuana, isang cal. 22, isang cal. 9mm, isang 12-gauge ARMSCOR shotgun, dalawang magazines, at mga bala. (DDC)