3 percent inflation rate naitala noong Pebrero
Nanatili sa 3 percent ang inflation rate na naitala noong Pebrero 2022 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mababa ito kung kumpara sa 4.2 percent inflation rate na naitala noong February 2021.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang pangunahing nag-ambag sa overall inflation nitong Pebrero 2022 ay ang Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels na may inflation na 4.8% at 33.9% share sa pangkalahatang inflation
Tumaas kasi ang presyo ng kuryente, LPG at renta sa bahay.
Ang pangalawang commodity group na may pinakamalaking ambag sa pangkalahatang inflation ay ang Transport na may 8.8% inflation at 26.3% share
Ito ay dahil naman sa pagtaas ng presyo ng produktong petroyo. (DDC)