Singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water hindi na papatawan ng VAT
Inaasahang bababa ang singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water.
Ito ay dahil aalisin na ang value added tax (VAT) sa billing system ng dalawang water company.
Sa virtual press briefing, sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO), chief regulator Patrick Ty, matapos maipasa ang conressional franchises ng dalawang kumpanya, hindi na dapat subject sa 12 percent VAT ang kanilang water services charges.
Ang pagpapatupad ng pag-alis sa VAT sa water billing system ay epektibo sa March 21, 2022. (DDC)