21 pang Filipino seafarers mula Ukraine nailikas sa Moldova

21 pang Filipino seafarers mula Ukraine nailikas sa Moldova

Umabot na sa 27 Pinoy ang nailikas sa Moldova galing sa Ukraine.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ligtas na nakarating sa Moldova ang 21 Filipino seafarers na pawang crew ng MV S-Breeze galing Chornomosk, Ukraine.

Ang paglikas sa mga seafarer patungong Moldova ay sa tulong ni Philippine Honorary Consul in Moldova Victor Gaina sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Budapest.

Unang dumating sa Moldova ang unang batch ng mga seafarer noong Feb. 27.

Ang M/V S-Breeze na isang bulk carrier, ay naka-drydock sa Ilyichevsk Ship Yard sa Port of Odessa, Ukraine simula pa noong Jan. 27, 2022.

SA mga Pinoy na nais mailikas sa Moldova at Romania borders maari silang makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Budapest sa sumusunod na numero:

Hungary
Budapest PE emergency hotline
+36 30 202 1760

ATN Officer Claro Cabuniag
+36 30 074 5656 (mobile)
+63 966 340 4725 (viber)

Moldova
Honorary Consul Victor Gaina
Mobile number (also WhatsApp no. +37369870870

email addresses: victor.gaina@phconsulate.md or consul@phconsulate.md

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *