BREAKING: DOH nakapagtala ng 866 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 866 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, March 2, ay 3,663,920 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 3,556,589 ang gumaling o katumbas ng 97.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 1,622 na gumaling.
Bumaba naman na sa 50,827 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 ng 1.4 percent.
Nasa 56,504 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.54 percent makaraang makapagtala ng 53 pang pumanaw. (DDC)