Mahigit P5.7M na halaga ng nakumpiskang illegal drugs nai-turn over na ng Customs sa PDEA
Nai-turnover na ng Bureau of Customs – Port of Clark sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III ang mga nakumpiskang ilegal na droga na nagkakahahalaga ng P5,740,118.
Kabilang dito ang 3,215 na piraso ng Ecstasy, dalawang 1000G glass container ng organic honey pero mayroong presensya ng Marijuana at iba pang produkto na may CBD at marijuana content gaya ng Vape Cartridges, gummies, at hemp cream.
Ang mga ito ay nakumpiska bunsod ng iba’t ibang paglabag sa R.A. No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to R.A. No. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay District Collector Alexandra Lumontad, ang pagkakakumpiska sa mga ilegal na droga ay dahil sa maayos na profiling at epektibong x-ray scanning capabilities ng mga tauhan ng BOC. (DDC)