P50K na pabuya inialok para mahuli ang salarin sa tangkang pananambang kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America

P50K na pabuya inialok para mahuli ang salarin sa tangkang pananambang kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America

Nag-alok si Infanta Vice-Mayor LA Ruanto ng personal nyang pera na 50,000 pesos para sa ikadarakip ng suspek sa tangkang pag-ambush kay Mayor Filipina Grace America kahapon ng tanghali.

Maliban sa kanyang personal na pera ay maghahain din ngayong umaga ang bise-alkalde ng resolusyon para sa karagdagang Pabuya.

Hinimok ni Ruanto ang mga Taga Infanta at mga karatig bayan na ipagbigay alam kaagad kung sino man ang makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek.

Ayon pa sa Bise-alkalde, hindi dapat ito nangyari kung mas lalo pang pinapaigting ang seguridad sa bawat lugar lalo na’t may COMELEC Gun Ban na ipinapatupad sa ganitong panahon.

Hinala ni Ruanto, na baka ito’y matagal ng pinagplanuhan dahil alam ng suspek na Ang punong bayan ay Linggo linggo itong nagsisisimba.

Sa spot report na inilabas ng Infanta PNP dakong 11:30 ng tanghali nangyari ang insidente at mismong paglabas ng simbahan at nang makasakay na sa sasakyan agad tinambangan ito, base sa salaysay ng pulisya naglalakad lamang umano ang suspek gamit nito ang 45 pistol caliber at anim na basyo ng bala ang narekober ng mga awtoridad sa naturang crime scene.

Sa kanang balikat natamaan si Mayor America at agad isinugod ito sa Claro M. Recto Hospital sa Barangay Tonggohin, Infanta Quezon.

Ayon sa Infanta PIO, nasa maayos na kalagayan na ang Alkalde.

Dagdag pa ni Vice Mayor LA Ruanto, Nakakalungkot na ilang dekada ng dumaan sa panahon ng eleksyon ay Walang ganitong insidente o barilan na naganap sa kanilang bayan.

Maituturing na payapa at tahimik ang kanilang bayan bagama’t magkatunggali sa pulitika pero sila naman umano ay mga magkakaibigan.

Nauna na rin dito Kamakailan na nagkaroon sila ng Unity Walk bawat panig.

Kasabay nito, mariing kinundina ng pamahalaang bayan ng Infanta ang nangyaring pananambang at nananawagan sa sinumang nakasaksi sa pangyayari na ipagbigay alam sa kinauukulan upang mapanagot ang mga nasa likuran ng krimen.

Nananawagan din ng pakikiisa at panalangin ang kampo ni Mayor America para sa kanyang kaligtasan. (Jay-Ar Narit)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *