Target na mabakunahan ang 1.8 million na Pinoy sa ikaapat na Bayanihan, Bakunahan hindi maaabot ayon sa DOH

Target na mabakunahan ang 1.8 million na Pinoy sa ikaapat na Bayanihan, Bakunahan hindi maaabot ayon sa DOH

Posibleng hindi muli maabot ng pamahalaan ang target nito na mabakunahan ang 1.8 milyon pang mga Filipino sa ika-apat na bugso ng “Bayanihan, Bakunahan” National Vaccination Drive.

Sinabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center chairperson, Dr. Myrna Cabotaje, sa ikalawang araw ng three-day initiative, 44.49% ng target ang nabakunahan pa lamang, na may 836,162 cumulative doses administered.

Isa aniya sa mga dahilan ng kabiguan na maabot ang 1.8 million target ay ang pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa bansa, kaya hindi nakapunta sa vaccination sites ang mga tao, at hindi rin makapag-bahay-bahay ang mga vaccinator.

Inihayag din ni cabotaje na kampante na ang ilang Filipino at sa kanilang palagay ay hindi na nila kailangan ng primary at booster doses, dahil pababa na ang mga kaso ng COVID-19.

Idinagdag ng health official na nananatiling mababa ang vaccination output sa BARMM at Mimaropa Regions, kung saan 15,000 at 14,000 lamang ang nabakunahan sa unang dalawang araw ng ika-apat na national vaccination drive.
Bunsod nito, sinabi ni Cabotaje na magre-restrategize ang DOH at palalawigin ang Bayanihan, Bakunahan hanggang bukas, araw ng Martes para sa boosters, sa mga lugar na mababa ang vaccination rates.

Matatandaang kinapos din ang pamahalaan sa kanilang 5 million target sa ikatlong Bayanihan, Bakunahan na isinagawa noong February 10 hanggang 18.

Umabot lamang sa 3.5 million individuals ang nabakunahan laban sa COVID-19, sa pagtatapos ng naturang aktibidad. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *