Website ng CNN inatake ng DDoS sa kasagsagan ng Presidential debate
Nakaranas ng cyber-attack ang website ng CNN Philippines sa kasagsagan ng presidential debate, kagabi.
Sa official statement na inilabas sa pamamagitan ng social media, sinabi ng CNN Philippines na inaccessible ang kanilang website sa gitna ng presidential debate bunsod ng distributed denial of service attack.
Ang DDoS attack ay tumutukoy sa network attack kung saan pinu-pwersa ng hackers ang malaking bilang ng internet-connected devices para magpadala ng network communication requests sa single server o webste upang ma-overload ito ng bogus traffic o request.
Sa sampung presidential candidates, tanging si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hindi sumipot sa debate. (DDC)